Advertisers

Advertisers

Anak nina Dingdong at Marian na si Zia, nag-viral ang kasipagan sa socmed

0 310

Advertisers

VIRAL ang video ni Zia, panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na nag-circulate sa Facebook.

Sa kanyang murang edad, ipinakita ni Zia ang kanyang kasipagan habang nagmo-mop ng sahig sa kanilang bahay.

Marami ang pumuri sa tiyaga ng celebrity daughter ng Dongyan.



Puring-puri rin ng netizens ang mag-asawang Dantes dahil sa magandang values na ipinamumulat nito sa kanilang mga anak.

Sey pa ng netizens, kapuri-puri rin ang ginagawa ng dalawang pagpapalaki sa anak o ang hindi pag-spoil kay Zia.

Hirit pa nila, nakikini-kinita nila na lalaking responsable si Zia hindi lang bilang Ate kay Sixto, kundi bilang anak at citizen.

Tulad ni Scarlet Snow nina Hayden at Vicky Belo, si Zia ay hindi rin pahuhuli sa dami ng followers sa social media.

***



Direktor ng Darna nagreak sa pagkaka-postpone ng pelikula

Hindi lang ang lead star ng Mars Ravelo classic na “Darna” na si Jane de Leon ang nag-react sa naging pahayag ng Star Cinema na shelved muna ang nasabing superhero movie.

Katunayan, nalungkot si Jane sa naging pahayag ng naturang movie outfit na postponed muna ang produksyon nito, considering na nasimulan na rin ito at malaki na ang nagastos.

Sa kaso ni Jane, marami tuloy ang nagsasabing parang sadyang hindi itinalaga na mangyari ang nasabing proyekto.Simula pa lang ay nagkaroon na ito ng aberya nang mag-back out sa proyekto si Angel Locsin dahil sa kanyang spinal injury na natamo habang nagte-training para sa role.

Ang heir apparent niya na si Liza Soberano ay nagtamo naman ng finger injury habang sumasabak sa physical training bilang paghahanda sa kanyang fight scenes dahilan para i-forego rin niya ang naturang proyekto.

Si Jane na ang naging final choice ng Star Cinema executives para gumanap sa bagong bersyon ng Darna na originally ay ididirek ni Erik Matti na napunta kay Jerrold Tarog.

Sa naging pahayag ng Star Cinema, nagpahayag din ng pagkalungkot at pagkadismaya ang director na si Tarog, ang acclaimed director ng epic movie na “Heneral Luna.’’

Aniya: “15 shooting days or 40 minutes of rough cut. Plus…some big plans. Welp.”

Ibig sabihin, nanghihinayang siya dahil almost 40% na ng pelikula ang nakunan kaya nakakalungkot na na-postpone pa ito.
Sa kaso naman ng ibang industry observers, nauunawaan nila ang naging pasya ng film outfit ng ABS-CBN, lalo pa’t hindi pa nagbubukas ang mga sinehan at hindi pa nakababangon ang bansa, pati na ang film industry, sa pandemya. (Archie Liao)