Advertisers

Advertisers

2 Pinoy, 1 Swiss timbog sa ecstasy sa Parañaque

0 350

Advertisers

TIMBOG ang dalawang Pinoy at isang Swiss national sa buy-bust operation sa Barangay BF Homes, Parañaque nitong Huwebes ng madaling araw, Agosto 27.
Kinalala ang mga naaresto na sina Thomas Fritz Stucki, Swiss national; at 2 Pinoy na sina Carlo Ruiz Gonzales at Raymond Dragon.
Ayon kay PDEA Dir. Wilkins Villanueva, 2:50 ng madalig araw nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office National Capital Region at District Drug Enforcement Unit ng Southern Police Distict sa Aquirre Ave., Brgy. BF Homes.
Nakumpiska sa mga suspek ang may 200 piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng P340,000.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA9165.(Gaynor Bonilla/Mark Obleada)