Advertisers
Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga agam-agam sa kanyang kanyang tunay na karamdaman kung saan inamin nito na posibleng mauwi sa Stage 1 Cancer ang kanyang Barret’s esophagus.
Ito ang ibinunyag ng Pangulo sa kanyang talumpati na inere kamakalawa.
Ayon pa sa Pangulo, pinapahinto na siya ng doktor sa pag-inom ng alak para hindi lumala ang kanyang karamdaman.
“Kaunting panahon na lang ang naiwan so wala nang ganang kumain. May pera ka naman, hindi ka na makakain kaya sabi ng diktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka, ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi yang Barret mo nearing stage one ka sa cancer,” ani ng Pangulo.
Matatandaan na una nang inamin noon ng 74-anyos na Pangulo na mayroon siyang myasthenia, acid reflux, Barret’s esophagus at maging spinal issues.
Magugunita na isang linggo ang nakalipas nang itanggi ng Malacañang ang kumalat na balitang nagtungo ang Pangulo sa Singapore lulan ng Lear Jet para magpagamot. (Vanz Fernnadez/Josephine Patricio)