Advertisers
‘SAFETY more than winning’ ang mensahe ni PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) Chairman WILLIAM ‘Butch’ RAMIREZ sa sports community kaugnay ng isa sa hot issues ngayon, ang ‘training bubbles’ ng UST GROWLING TIGERS sa Capuy, Sorsogon.
Under investigation ang Tigers at gustong tutukan ng PSC ang real score sa nangyaring training ng team sa Sorsogon, bayan ni Coach ALDIN AYO. Kilalang mula sa political clan ng Sorsogon at isang konsehal doon, tahimik pa rin si Coach dahil iniimbestigahan pa ito.
Mahigpit ang implementation ng COVID-19 protocols at wala pang go signal sa training na sama-sama ang athletes. Tuloy ang pagtaas ng reported COVID cases. Bawal pa ang practice.
“We cannot over emphasize how important it is to be good followers at this time, we do our share in ensuring our victory aginst this health crisis when we made every effort to send home every one of our more than 1,600 national athletes. Your life, dear athletes, is more important than any medal could ever equal,” ani Chairman RAMIREZ.
NAGHAHABOL SI AYO
Well, knowing Coach ALDIN AYO, personal kaming naniniwala na all-effort ang ibibigay nito para mahabol ang kampeonato. Bigo ang UNIVERSITY OF STO. TOMAS (UST) na maagaw ang korona sa ATENEO BLUE EAGLES sa bakbakan last year sa UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP).
Throwing back, sa aming past interviews kay Coach at ilang encounter sa post game presentations, mariin ang remarks niyang ‘Lahat ng team na first time kong hinawahan nag-champion’. Lahat ng team na hinawakan mula sa Sorsogon hanggang Maynila, totoongnagkampeon sa first time niya, partikular ang SAN JUAN DE LETRAN ng Muralla at LA SALLE GREEN ARCHERS.
Pangatlong taon ngayon ni AYO sa UST, pero namukod na hindi niya nagawang ihatid ang championship sa first time niyang pag-handle nito. However, naging first runner-up agad sa 2nd year versus undefeated ATENEO BLUE EAGLES, tinalo nila ang nakaunang powerhouse FEU TAMARAWS at UP FIGHTING MAROONS. By the way, lumipat na sa UP ang King Tiger na si CJ CANSINO kasabay ng maraming surprises sa iba’t ibang teams.
LIMITADO PA SA PANDEMIC
LAHAT ng teams, ultimate goal ang kampeonato, tulad ni Coach AYO patalbugan sa galing ang coaches at cagers. Yun lang, limitado pa sa pandemic ang galaw ng Sports community, Tama lang, “Safety over winning.!”
AUGUST HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to RENZ MARION NIVIAR SANTOS of Gen. Trias, Cavite, ALLAN CLEMENTE of Bataan and MARK GLENN FAJARDO of Mandaluyong City. HAPPY READING!