Advertisers

Advertisers

Retired pulis at anak binaril-patay sa Leyte

0 269

Advertisers

PATAY ang isang retiradong pulis pati ang kanyang anak nang pagbabarilin habang naglalakad sa Barangay Sta. Cruz, Palo, Leyte, Martes ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Pio Peñaflor, retiradong pulis; at anak nito na si Alpie Peñaflor, parehong residente ng Brgy. Mag-aso, Jaro, Leyte.
Ayon kay Capt Joemen Collado, hepe ng Palo MPS, habang naglalakad ang mag-ama ay bigla silang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga salarin.
Sa report, nakitang tumakbo ang isa sa mga salarin na nasa magkalayong direksyon.
Naniniwala ang pulisya na planado ang ginawang krimen, na tiniyempuhan ng salarin na walang nakabantay na mga pulis sa naturang lugar.
Nagpapatuloy pa ang operasyon ng kapulisya para matukoy at maaresto ang nasa likod ng krimen.(Ace Ramales)