Advertisers
PATAY ang isang pulis at sugatan ang kanyang kasama sa pananambang sa Marantao, Lanao del Sur nitong Miyerkules (Aug. 26) ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Master Sgt. Hnor Aminod Tander, at ang sugatan ay si Master Sgt. Khadafy Goling Bantuas. Kapwa sila miyembro ng Marantao Municipal Police.
Sa ulat, nangyari ang pananambang sa Barangay Ragayan 6:40 ng umaga.
Ayon sa report, magka-angkas sa motorsiklo ang dalawang pulis at papunta sa kanilang istasyon nang paulanan sila ng bala ng magka-angkas din sa motorsiklo.
Nagawa pa ni Bantuas na makaganti ng putok kaya’t napilitan ang mga salarin na tumakas.
Inaalam pa ang motibo sa insidente.(Ace Ramales)