Advertisers

Advertisers

Pulis at Barangay tumatabo ng pera sa Blumentrit

0 270

Advertisers

Magkatugma raw at magkatulong ang pulis at barangay sa lahat ng aspeto ngunit sa pagkakataong ito ay kakaiba sila dahil puro pera sa mamamayan ang inintindi ng dalawang institusyong ito.

Ito ay napag-alaman natin sa mga mamimili at mga passerby sa Blumentrit market na kadalasa’y nagiging mga biktima ng mga ito partikular na sa mga parking slot ng kanilang mga sasakyan lalo na mga motor na kung saan ay pilit kang papaparadahin sa mga parking slot ng barangay na may bayad bagama’t pwede namang mag-park sa mga lugar na walang bayad.

Sa luwag at luwang ngayon ng Blumentrit lalo na nang tumaas sa General Community Quarantine (GCQ) ang estado, pwede kang maglaro ng patintero o tumbang preso ngunit dahil nga sa pera-pera ang habol ng mga kumag na pulis at barangay kung kaya’t ganoon na lamang sila kung itaboy ng mga ito sa may bayad na parking space.



Ang talagang makatotohanan lang daw na ginagawa ng mga pulis na ito ay ang mag-ronda at patunugin ang wang-wang ng kanilang mga sasakyan upang patabihin ang ilang mga vendor na para ba raw na walang kinukuha itong mga koleksiyon araw-araw. Ang kakapal daw ng mga mukha hehehe.

Mga suplado at kunwa’y mga responsable pa raw ang mga ito ngunit nasa loob ang kulo. Ultimo pang-ulam daw ay sa mga vendor pa rin kinukuha bukod pa sa koleksiyon nilang kinukuha araw-araw.

Ilan sa mga striker ng mga pulis na ito ang naghahayag din ng kanilang mga kalokohan na anila’y di na raw nila makonsensiya. Ang mga striker daw na ito ang ginagawang front ng mga pulis kung kaya’t sila raw ang madalas mapahamak.

Station 3 COMMANDER John GIAGUI, kamustahin mo naman mga bata mo sa Blumentrit detachment.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">