Advertisers
Pinataob umano ng PhilHealth ang mga ahensiya ng gobyerno na palaging iniimbestigahan dahil sa kontrobersiya.
Ito ang inilahad ni Greco Belgica ng Presidential Anti- Corruption Commission( PACC).
Saad pa ni Belgica na sa loob ng mahabang panahon ay palaging nangunguna sa listahan ng imbestigasyon ng anomalya ang Bureau of Customs, sunod ang Bureau of Internal Revene at Department of Public Works and Highways.
Dagdag pa ni Belgica, taon taon naman iniimbestigahan ang PhilHealth ngunit ito ang pinakamaugong na taon sa naturang ahensiya kung saan nasantabi lahat.
Binigyan diin ni Belgica na ngayon lang nangari na may binuo pang task force ang Pangulo ng bansa kung saan pinagsama-sama ang lahat ng investigating body para matiyak na mananagot sa batas at makukulong ang mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth. (Josephine Patricio)