Advertisers
ARESTADO ang maghipag sa halagang P34 milyon droga nang isumbong ito sa programang “Isumbong mo kay Wilkins” ng PDEA, Martes ng umaga sa Marikina City.
Sa ulat, kinilala ni PDEA-NCR Regional Director-lll Adrian Alvarino ang mga naaresto na sina Alyssa Marie Merdegia, 22 anyos; at umano’y bayaw nito na si Ricky Macabandang, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa Blk-B, #45 Mais St., Brgy., Tumana, Marikina City.
Dakong 10:05 ng umaga magkasanib na buy bust operation ang isinagawa ng PDEA-NCR, Marikina PNP, Intelligence Special Action Force ng AFP at EPD sa Paliparan St., Concepcion-1 sa lungsod.
Nakumpiska umano sa dalawa ang 5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon.
Ayon kay Alvarino, isang buwan nilang isinagawa ang surveillance batay sa reklamo ng ilang concern citizens, na ikinadakip ng mga ito.
Samantala, nakasamsam din ang mga operatiba ng 340 gramo ng shabu (P2.3 milyon) nang salakayin nila ang isang bahay sa 29 Carnation St., Libis Bulelak, Bgry. Malanday 9:45 ng gabi, kungsaan naaresto sina Noel Varas, 33; Sonny Boy Amayao, 32; Ariel Simeon, 38; at Jherelyn Escaro, 34.
Lahat-lahat umabot sa P36.3m ng shabu ang nasamam sa lungsod. (Edwin Moreno, Mark Obleda, G. Bonilla)