Advertisers
MAUGONG na aksiyon sa basketball ang ikakasa ng National Basketball League-Philippines pagsapit ng new normal sa sandaling maigupo na ng siyensiya ang pandemic coronavirus.
Ang qualifying 3×3 ay iraratsada ng NBL-Philippines na nakatakda sa Nobyembre sa Santa Rosa City, Laguna.
Ang kaganapan ay bukas para sa mga collegiate men at women cagers sa buong bansa na pupuntirya ng slots sa international (Asian) championship.
Sinabi ni Leonardo Andres- chairman ng NBL Executive Committee na ang liga na affiliate member ng Basketball Association (BAP) ay kinikilala ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) na magtimon sa qualifying tournament.
“The tournament will allow one team each for men and women with an additional at least up to 4 club teams within the same school( different club names)for the season. Eligible to play must be25 years old and below,” sambit ni Andres na siya ring pinuno ng BAP Region IV.
“Two each from men and women teams will qualify for the country to vie for honors in the Asian University 3×3 tilt next year.”
Ang mga Registration forms ay maari nang i-avail sa NBL -Philippines Central Office c/o Leonardo Andres, email bapregionIVab@gmail.com, office mobile #09178856612-website www.BAPLINK.com/ www.FESSAP.net.
Ang Asia Pacific University Sports Union (APUSU), Philippine Inter -School Sports Association (PISSA), Asian University Basketball Federation (AUBF) at Philippine University Basketball League (PUBL) ay todo suporta sa liga na isang comprehensive grassroot basketball program sa Pilipinas – pet project ni BAP top brass Graham Lim.
Ang mga NBL- PH registered members ay kinabibilangan ng TUP, LACUAA, SCUAA, PISCUAA, PRISAA, RISCAA, CAAP at CESAFI habang ang ibang athletic associations at federations sa buong kapuluan ay welcome na lumahok sa kaganapang nakalaan ang slots para sa Taiwan Asian UniversitySports Federation 3×3 cage. competitions sa susunod na taon.(Danny Simon)