Advertisers

Advertisers

Mataas na opisyal ng DPWH, ibinulgar ang panghihingi ng SOP ng ilang congressman at mga payola

0 356

Advertisers

Ibinulgar ng isang mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang garapal na panghihingi umano ng tongpats o SOP ng ilang kongresista na nakakasakop sa kanyang tanggapan.

Ayon sa nasabing opisyal ng DPWH na may ranggong district engineer, na ito ang pangunahing dahilan ng walang katapusang korapsiyon sa kanilang tanggapan.

Umaabot umano ng trenta porsiyento ng kabuuang project cost ang kinokotong ng mga mambabatas na ito na kadalasang pinapa-advance pa mula sa mga kontraktor.



Marami umano sa mga kapwa opisyal ng nasabing district engineer ay demoralisado at di makadiskarte ng malaya dahil na rin sa pakikialam ng napakaraming pulitiko, media, power brokers at korap ng LGU officials.

Ayon pa sa nagbulgar, kahit mga simpleng permits na kinukuha sa isang lokalidad ay nababalutan ng korapsiyon at puwedeng makatengga ng matagal na panahon sa isang gagawing proyekto ng DPWH.

Malaking sagabal ito sa mga imprastrakurang sinisikap gawin at tapusin ng administrasyong Duterte.

Samantala, ang mga tongpats o SOP na hiningi ng ilang masisibang mambabatas “are here to stay”, pagdiriin pa ng DPWH official.

Kahit pa anong pagsisikap ng pamahalaan na tapusin ang kultura ng korapsiyon sa sistema ng pangungubyerno, malabo itong maisakatuparan dahil bulok na mismo ang sistemang nananatili dito at mga mismong mga taong nagpapatupad nito.



Isang top to bottom overhaul ang kinakailangan at buong henerasyon ng ating mga public at civil servants ang mga dapat palitan.

It will take sometime for this kind of radical change to happen, pagtatapos pa ng opisyal.

Sad to say, kahit sa gitna ng pandemya, patuloy pa rin ang panggagahasa sa kabang yaman ng bansa.

Sadyang nakakabahala talaga!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com