Advertisers

Advertisers

Jillian ibinida ang house tour sa YouTube channel

0 257

Advertisers

PARA sa una niyang vlog entry sa YouTube, ipinasilip ni Jillian Ward ang bahay nila na pinagagawa sa Pampanga.

Ayon sa Prima Donnas actress, “This house is based in Pampanga because my father grew up here and I grew up here as well.”

Nagbigay rin ng mini tour si Jillian sa kwarto niya, “My room is well-lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But, I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some of Van Gogh’s paintings in there.”



Sa third floor naman ng bahay ay makikita ang walk-in closet niya. Samantala, napapanood muli si Jillian at iba pang cast ng top-rating series sa replay ng ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime.

***

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast, naghahanda nang mag-taping

Puspusan na ang paghahanda ng cast at production team ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa napipintong pagbabalik-taping ng kanilang serye sa ilalim ng new normal.

Last week ay sumabak na sa virtual script reading ang cast ng serye na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, Jay Manalo, Migo Adecer at Karenina Haniel kasama ang kanilang creative team.



Ang naganap na script reading ay parte ng paghahanda ng cast sa pagpapatuloy ng kwento ng serye na matatandaang nagtapos sa hindi pagkakaunawaan ng magkaibigang sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo).

Bukod sa excitement ng cast ay hindi na rin magkamayaw ang kanilang fans na muling mapanood ang kanilang mga iniidolo sa telebisyon. Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Network!

***

Kate Valdez, 1M na ang followers sa IG

Congrats sa Kapuso actress na si Kate Valdez dahil lagpas one million na ang fans niya sa Instagram! “1M!!! Woot! So much love for y’all. Thank you so much loves! You guys rock!,” post ni Kate.

Hindi rin kasi nauubusan ng nakakaaliw na content ang aktres at consistent siya sa pagbabahagi ng TikTok videos at life updates niya rito.
Samantala, nami-miss na siya ng Kapuso viewers sa GMA primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.’ Sa ngayon, online na lang muna siya masusundan ng kanyang supporters kaya naman mas naging aktibo si Kate sa pagpo-post. (Rommel Gonzales)