Advertisers

Advertisers

CEO ng CNHP na si Ms. Nilda, inuna ang safety ng frontliners kaysa negosyo

0 394

Advertisers

BIHIRA lang ang mga businesswoman na tulad ng CEO ng CN Halimuyak Pilipinas na si Ms. Nilda Tuason. Mas inuna at pinahahalagahan niya kasi ang safety ng frontliners kaysa sa kanyang negosyo.

Sa panayam namin sa kanya via FB, marami kaming nalaman kung paano mas epektibong makaiwas sa Coronavirus. Pero, una muna naming inusisa ang ginawa niyang pamimigay ng alcohol mula sa CNHP.

Saad ni Ms. Nilda, “Opo, marami kaming binigyan sa dahilan na walang mabiling alcohol noong biglang nagkaroon ng mga infection at ang ating mga hospital ay naubusan ng alcohol. “Ang mga doctor po natin ay tumulong sa amin upang pumik-up at mamigay ng libre sa ating mga doctor at frontliners sa mga hospital na naubusan po ng alcohol.”



Hindi ba pumasok sa isip niyang baka sila malugi? Tugon niya, “Hindi ko na naisip ‘yon, sir. Ang iniisip ko lang, baka maraming mamatay na doctor, mauubos po… paano na tayo?

“Kung maging grabe ang epekto (ng virus) lahat magkakasakit… mas maganda ang maraming mabuhay, kalimutan muna ang pera at ang pansarili… Kapwa po natin ang mas mahalaga, ‘yun pong frontliners talaga!”

Dagdag pa niya, “Sa halip na magka-interes po kami na magtaas ng presyo at magbenta sa mga groceries at supermarkets, idineliver na po namin agad sa mga doctor para po maingatan sila sa virus at ang formula po ay galing mismo sa FDA. Ang Red Cross po at DTI FDA Tarlac ay tumulong din po sa amin sa pag-provide ng mga sasakyan na pang-deliver at labels po, ng libre po.”

Kumusta ang feedback sa mga CN Halimuyak products, lalo na sa panahon ng pandemic?

“Maganda naman po ang feedback sa dahilang naging abot kaya po ang presyo at may peace of mind ang mga gumagamit, lalong-lalo na po ang mga manggagamot natin na lubhang naniniwala sa kalidad ng ating produkto. At sila mismo ay nakagamit na nito noong panahong wala pang PPE, na ang tanging proteksiyon nila ay limitado. “Ngunit sa tulong ng ating alcohol ay napanatili natin ang kanilang kaligtasan-pati na po ang ating mga frontliners, ‘di lamang sa mga ospital kundi sa ating mga checkpoints sa barangay.”



Nalaman din namin na hindi totoong mas may proteksiyon kontra Covid19 ang mga manginginom ng alak.

Esplika ni Ms. Nilda, “Hindi po, ang alak para sa inumin ay iba po ang concentration ng ethyl alcohol at ito’y mas mababa sa kinakailangang concentration upang mapatay ang Covid. Ang kailangan po natin ay 70 percent na ethyl alcohol at ito ay equivalent sa 140 proof. Karaniwan po ang pinakamataas na blend ng ethyl alcohol para sa alak o inumin ay 85 proof lamang or 42.5 percent. Sa ganitong blend po, hindi kayang patayin ng alcohol na ito ang Covid19.”

Naibalita rin ni Ms. Nilda ang mga bagong produkto ng CNHP na mabisang panlaban sa Covid19 dahil nilagyan ng disinfectant para maging doble ang effect.

“Sir, may mga bagong products po kami ngayon na maaaring gamitin upang malabanan ang pagkalat ng virus. Lahat po ng mga panlinis na dati nang ginagamit ay nilagyan namin ng disinfectant para maging doble ang effect, hindi lang panlinis ito, kundi pang-disinfect din upang siguradong mawala ang anumang virus-lalo na po ang Covid19.

“Sinikap naming ibaba ang presyo ng mga ito upang maabot ang budget ng karaniwang manggagawang Pilipino. Ang mga ito po ay mabibili sa iba-ibang sizes na siguradong may sukat na sakto lang sa gamit nito,” wika pa ni Ms. Nilda.
Sa mga gustong maging resellers ng CNHP, ano ang dapat gawin? “Sa kasalukuyan po nadagdagan ang mga gustong maging resellers at distributors thru online selling. Nag-partner din po ang CNHP with Food Panda, now Panda Mall to deliver our products. May courier services din po with Lalamove and Grab. May award notice na rin po ang CNHP sa SM Supermalls,” pagbabalita pa niya. (Nonie V. Nicasio)