BGY. KAPITAN AT TRESURERA NAGTALIK SA OPIS, NAPANOOD SA ONLINE MEETING!
Nakaligtaan naka-on ang camera, bumira ng dogstyle
Advertisers
PINITISYON ng mga residente ang kanilang barangay kapitan matapos na kumalat at napanood ng live ang online meeting sana na gagawin ng mga opisyal ng Dasmariñas City, Cavite at buong kapitan ng lungsod para sa Covid-19, nitong Lunes.
Siniguro ng DILG na masisibak sa kaniyang puwesto bilang aktibong kapitan si Jesus Estil ng Barangay Fatima 2 nang mag-viral ang malaswang sex video nito sa loob mismo ng barangay hall kasama ang kaniyang barangay tresurera.
Ayon sa ulat, nakatakda sana ang isang live zoom meeting ng mga pamunuan ng Lungsod ng Dasmariñas at mga barangay chairman para pag-usapan ang Covid-19 cases.
Inakala ni Kapitan Estil na hindi pa naka-on ang kaniyang video cam kung kaya nagpasya muna itong makipagtalik sa kaniyang treasurer.
Subali’t hindi alam ng dalawa na naka-ready na pala at on cam na ang video cam nito kung kaya nakita ang kalaswaang ginagawa ng dalawa sa loob mismo ng barangay hall.
Naka -live ang nasabing online zoom meeting kung kaya halos lahat ng Dasmarineño, nakapanood sa nagaganap na pagtatalik ng dalawa.
Siniguro naman ng DILG na masisibak ang nasabing kapitan na sa kasalukuyan hindi na ito matagpuan gayundin ang kaniyang tresurera.
Inaantabayanan na ang magiging desisyon nina City Mayor Jenny Barzaga at Congressman Pidi Barzaga hinggil sa kalaswaang nangyari.
(Irine Gascon)