Advertisers
ISA sa nakitang paraan ng mag-inang dating private school teacher ang paglalako ng pagkain sa Quezon City para kumita sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Chelsey (‘di niya tunay na pangalan), naglalako sila ng chocolate, banana chips, tinapay, brownies, at chips sa Commonwealth Avenue at Banawe Street simula nang mawalan sila ng trabaho noong Marso.
Kuwento ni Chelsey, aabot sa P500 kada araw ang kinikita nilang mag-ina sa paglalako ng pagkain at swerte na sila kung tataas pa ito sa P1,000.
Ayon pa kay Chelsey, ito lang ang nakikita nilang paraan ng kanilang 65-anyos na ina na si Lisa (‘di niya tunay na pangalan), na una naring nag-viral sa social media.
Hiling ni Chelsey na matapos ang pandemya ay makabalik na sila sa trabaho.(Boy Celario)