Advertisers

Advertisers

Suspek sa pagpatay sa mental hospital chief tukoy na

0 244

Advertisers

KINASUHAN na ang 7 suspek sa pagpatay sa direktor ng National Center for Mental Health (NCMH) nitong Martes ng Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Ronnie Montejo, sinampahan ng kasong double murder sa Quezon City Prosecutor’s Office ang mga sumusunod: Sonny Sandicho; Clarita Avila, NCMH Chief Administrative Office; George Serrano, NCMH employee; Harly Pagarigan, NCMH employee; Roman Eugenio; Cristina Riego; at Edieson Riego.
Ayon kay Montejo, may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang kay NCMH director Roland Cortez at sa driver nitong si Ernesto dela Cruz noong Hulyo 27 sa Barangay Culiat, Quezon City.
Natukoy ang mga suspek sa tulong ng mga pahayag ng mga testigo at nakalap na physical evidence, ani Montejo.
Isa pa lang umano sa mga suspek ang naaaresto ng pulisya habang ang iba ay tinutugis pa.
May ilan pang indibidwal na hinihinalang sangkot sa krimen ang iniimbestigahan ng pulisya.

Napatay si Cortez at Dela Cruz nang tambangan ang kanilang sasakyan.
Bago mapatay, nakatatanggap ng death threat si Cortez matapos nitong ipaimbestiga ang mga kaso ng korapsyon ng NCMH. (Boy Celario)