Advertisers
ISA si Ria Atayde sa host ng bagong show ng TV5 na Chika, Besh (Basta Everyday Super Happy) na napapanood 10am, Lunes hanggang Biyernes. Co-host niya sina Pokwang at Pauleen Luna.
Sa interview ni Ria sa Pep.ph, sinabi niya na halu-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang una niyang malaman na may offer sa kanya para maging isa sa host ng nasabing show. Nakaramdam nga raw siya ng pag-aalinlangan noong una dahil ayaw niya ng pakiramdam na iniwan niya sa ere ang ABS-CBN na siyang nagbukas ng pintuan sa kanya para makapasok sa showbiz.
Ikinwento ni Ria kung paano siyang nakatanggap ng offer mula sa nasabing istasyon.
“Two or three weeks before we started working, I got a text from my handler saying na I was requested by TV5 for a show with Mamang Pokwang and Pauleen.
“Sabi niya, ‘I need your decision soon. Are you okay? Sabi ko, ‘Wait, Tita, at least give me a day or a day and a half to meditate on it, figure it out,’ simulang sabi niya.
Patuloy niya, “Kasi, parang given the circumstance, kaka-shut down lang din ng network. So, parang, ‘Wait a moment. This is, like, wait, wait.”
Pinag-isipan muna ni Ria nang husto kung tatanggapin ang blocktimer show sa TV5. Kinausap daw muna niya ang kanyang mga magulang na sina Art Atayde at ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, mga kaibigan at mga bosses sa ABS CBN, kung ano sa tingin ng mga ito, kung tatanggapin ba niya ang offer.
“And when I saw that everybody was okay with it, they were supportive about it including the bosses of ABS-CBN, I was, like, ‘Then maybe it’s okay to do this.This is not betrayal of my network. It’s an opportunity amidst the pandemic. That’s not something you say no to blessings, di ba?”
***
BOKAL ALEX CASTRO UMAYUDA SA MGA TRIKE DRIVER
NAKATUTUWA naman si Alex Castro. Dahil pinaiiral ngayon ang GCQ sa buong Bulacan kaya naman balik pamamasada na ang mga trycicle driver.
Ang ginawa niya, bilang Bokal sa 4th district ng Bulacan, binigyan niya ng libreng face mask ang mga tricycle driver sa kanyang nasasakupang distrito. At siya mismo ang personal na namimigay sa mga ito, huh!
Hindi niya inutos sa kanyang mga tauhan. Binigyan niya ng face mask ang trycicle drivers para maprotektahan ang kanilang mga sarili sa coronavirus since namamasada na nga uli ang mga ito at nakakahalubilo ang iba’ibang mga tao.
Sabi pa ni Alex sa kanyang Facebook post, “Dahil GCQ na, madami na ang mga bumibyahe nating mga kababayang tricycle drivers. Kailangan ay maprotektahan sila sa lansangan.” (Rommel Placente)