Advertisers
NASABAT ng pulisya ang nasa P270,000 halaga ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, Lunes ng gabi.
Arestado sa operasyon ang 4 lalaki, kabilang ang 2 menor de edad.
Ayon sa Northern Police District, dapat ay sa Monumento, Caloocan makikipagkita ang mga poseur buyer at mga suspek pero pinadiretso sila ng mga suspek sa Lower Bicutan kungsaan nakabili sila ng marijuana pasado 9:00 na ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang malaking pakete ng naturang kontrabando na may bigat na 2.25 kilo. (Gaynor Bonilla)