Advertisers

Advertisers

Mister huli si misis may ka-chat, biniyak ang ulo

0 256

Advertisers

Kinilala ang biktima na si Maricel Durendez, 42; habang nadakip ang salarin niyang mister na si Ruel Rafols, 27, construction worker, kapwa ng P-4 B, Barangay Bayabason, Maramag, Bukidnon.
Sa report, 9:00 ng gabi nitong Lunes nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa madalas umanong may ka-chat ang misis.
Naghinalang may kinalolokohang lalaki, kumuha ng itak ang mister at pinagtataga sa ulo ang misis.
Hindi nakuntento, pinagsasaksak pa ng mister ng kutsilyo sa katawan ang asawa.
Matapos ang krimen, tinangkang tumakas ng salarin pero nadakip din kalaunan ng mga awtoridad. (Ace Ramales)