Advertisers

Advertisers

Mga nagsusulong sa RevGov itinakwil ni Duterte

0 316

Advertisers

ANO kayang pakiramdam ng grupong nagsusulong sa Revolutionary Government o RevGov ngayong hayagang itinatakwil sila ni Pangulong Rody Duterte?

Sa recorded cabinet meeting ni Pangulong Rody Duterte Lunes ng gabi na inere Martes ng umaga, sinabi ni Duterte hindi niya kilala ang grupong nagpulong sa Clark, Pampanga nung Sabado (August 22, 2020).

Ang naturang grupo, Mayor Rodrigo Roa-Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), ay kinabibilangan nina freelance broadcast journalist Bobby Brillante at DILG Usec Martin Diño.



“Hindi ko sila kilala,” pagtatakwil ni Duterte sa grupong nagsulong sa kanyang kandidatura noong 2016.

Ang sakit sa bangs nito. Hehehe… Anong kayang feelings dito nina Brillante at Diño?

Si Diño ay dapat awtomatikong resign na ito as DILG Usec. matapos siyang pumirma sa pagsusulong sa RevGov nung Sabado.

Mantakin mo silang nasa puwesto, tatanggalin nila ang sarili nila tapos itatalaga rin sa gobyernong rebolusyonaryo. Mga gago nga!

***



Sa Senate inquiry tungkol sa pandemya ng katiwalian sa PhilHealth nitong Martes ng hapon, nirekomenda ni Senador Richard Gordon, tserman ng Senate Blue Ribbon Committee, na kasuhan ng kriminal sina dating Health Secrertary Janette Garin, dating Budget Sec. Butch Abad, dating PhilHealth chief Alex Padilla at iba pang opisyal ng state insurer na gumahasa sa kaban nito.

Kung maipasa ang parusang bitay laban sa mga korap, dapat unahin sa pila ang mga peste sa PhilHealth!

***

Sabi ni Pangulong Duterte, hintayin nalang natin ang vaccine sa Covid. Malapit na raw ito lumabas. Ito man ay galing Russia o China. Pag lumabas na ito, sabi niya: Mauna sa lahat ang mga military pati pulis kasi kung walang pulis at militar, babagsak tayo. Sinong mag-guwardiya sa atin?”

Bago ito, sinabi niyang mauuna ang mga pinakamahihirap, ang mga beneficiary ng 4Ps, tapos ‘yung mga mahihirap na hindi nakalista (sa 4Ps). Sa huli na raw siya.

Few weeks ago, sinabi ni Duterte na siya ang mauuna magpaturok ng vaccine from Russia to prove na okey na ito.

***

Sabi ni Southern Command Chief Antonio Paralde, walang kailangan arestuhin ang grupo na nagsusulong sa RevGov. Dahil ang grupong ito na nagnanais ng revolutionary gov’t. ay “it wants Duterte as head”. Pero kung ibang grupo ang magpapabagsak kay Duterte “yes they can be arrested”.

Tama ba ang sagot na ito ni Gen. Paralde? Mukhang may paglalagyan siya rito. Tsk tsk tsk…

***

Para kay AFP Chief Gilbert Gabay, dapat ibalik ang “Martial Law” sa Mindanao para maaresto nang lahat ang mga terorista, bandido o rebelde man sa rehiyon.

Ito’y kasunod ng dalawang sunod na pagsabog na gawa raw ng dalawang babaeng suicide bombers nitong Lunes ng umaga sa Jolo, Sulu. Labing-apat (14) ang patay, karamihan sundalo; at 75 ang sugatan sa teroristic attack na ito.

Kung kayo ang tatanungin, mga pare’t mare, kai-langan pa ba ng martial law sa Mindanao eh mayroon nang umiiral na Anti-Terrorism Law?