Advertisers
MATAGAL ding hindi nag-usap ang dating loveteam at rumored ex-lovers na sina JM De Guzman at Barbie Imperial dahil sa kanilang sigalot.
As in, walang pag-uusap na naganap sa dalawa.
Marami ang nanghihinayang sa dating labtim dahil naudlot ang inasam nilang relasyon.
Hindi na nga inaasahan ng netizens na magkikita at magiging magkaibigan sila matapos ang kanilang away.
Pero dahil sa burol ay nagkabati sina JM at Barbie.
Muling nagkakulay ang pagkakaibigan ng dalawa sa kanilang muling paglalapit.
Hindi nga lang doon nagtapos ang bonding nina JM at Barbie na after magkita sa burol ay nagpagpag muna.
Happy sina Barbie at JM na nagkita, nagkausap at nagkaayos sila.
Dahil naman sa pagbabalik ng pagkakaibigan nina JM at Barbie, inaasahan ng kanilang followers na mabuo na muli ang relasyon nilang naudlot noong magka-loveteam pa sila.
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig sa muli nilang pagkikita. Hmmmp.
***
ISA sa inamin ni Luis Manzano sa vlog ni Jessy Mendiola na gustung-gusto nitong gawin ay never pa nitong nagawa na mag-mall kasama ang inang si Vilma Santos.
Greatest dream nga ni Luis na makasama ang ina sa pagmo-mall.
Naalala ni Luis na minsan na nag-attempt na isama siya ni Ate Vi noong bata pa siya na six or seven years old pa lang sa isang grocery.
Aba’y nakakailang hakbang palang sila dahil sikat si Ate Vi, ayun dinumog ng maraming tao.
Inilayo na nga lang daw si Luis at dinala sa kotse at ending naudlot ang pagsama niya sa paggro-grocery nila ng kanyang ina.
Kahit may edad na si Luis ay dream pa rin niya na makasama ang kanyang ina sa mall.
Gusto talaga nitong maranasan na buo silang pamilya na makapag-mall na parang normal life.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)