Advertisers

Advertisers

Carmina mamimigay ng tablet sa mga estudyante

0 250

Advertisers

SA isang Instagram post, proud na pinasalamatan ni Vaness del Moral ang kapatid niyang si Juliene Marie na isang frontliner sa US.

Aniya, “To my sister @chinkybabyyy, a nurse in the US. Thank you for your sacrifice and work, for making sure your patients get the proper care they need, for the risk you take every time you go to work knowing that the virus is still out there.”

Nagpaalala rin ang ‘Love of my Life’ actress sa kapatid na  magpahinga at ‘wag pababayaan ang sarili, “When you’re tired and exhausted, send me a message anytime (bilang magkaiba tayo ng timezone, babasahin ko nalang pag gising na ako) after all, you are human and it’s OKAY to feel frustrated, tired, sad, angry. Stay safe sis and be careful. I love you and I will keep praying for you!”



Sa huli, sinaluduhan ni Vaness ang lahat ng nurses sa serbisyong patuloy nilang binibigay sa publiko, “Para sa sakripisyo mo kabsat! Salute to all nurses out there! You are not just a nurse, but God’s army!”
***
NAKATATABA  ng puso ang walang sawang pagtulong ng Kapuso celebrities sa mga apektado ngayon ng pandemic.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng ‘Sarap ‘Di Ba?’ host na si Carmina Villarroel na magkakaroon siya ng giveaway para sa mga estudyanteng nangangailangan.

Sampung lucky students ang mananalo ng tablet na magagamit nila sa pag-aaral ngayong school year bilang online na muna ang lahat ng classes. Open ang giveaway na ito para sa mga taga-Metro Manila at simple lang ang kanyang mechanics para makasali!
Siguraduhin lang na naka-follow sa Facebook page, Twitter at Instagram accounts pati YouTube channel ni Carmina at i-comment ang city of residence at year level sa comment section na ‘How to clean your ref’ vlog niya.

Samantala, patuloy na napapanood sina Carmina, Mavy, Cassy at Zoren Legazpi sa fresh episodes ng ‘Sarap ‘Di Ba?’ tuwing Sabado ng umaga sa GMA Network.
***
Paolo Contis may kakaibang take sa unboxing video

Hindi talaga nawawalan ng twists ang Kapuso actor/comedian na si Paolo Contis sa kanyang YouTube videos.
Kung ang madalas na ginagawa ng vloggers ay “unboxing videos,” isang “AngBoxing” video naman ang naisip ni Paolo sa kanyang channel.
“Alam ninyo noong mga nakaraang araw, nahirapan akong mag-isip ng mga bagong content kasi nauubusan tayo. So, nag-decide ako na tumingin ng ibang content at ano ‘yung ginagawa ng mga tao. Naisip ko, e, medyo sikat ‘yung unboxing.
“Pero siyempre, hindi ko naman kayang gumaya masyado sa mga unboxing kaya naisipan ko na gumawa ng content na AngBoxing. Itong AngBoxing ay wala lang na content. Ikakahon ko lang ‘yung mga gamit-gamit — ‘yun na ‘yung AngBoxing,” paliwanag ni Paolo.

Para sa kanyang unang AngBoxing video, ang kanyang Infinity Gauntlet mula sa Marvel Cinematic Universe na “The Avengers” ang ikinahon ni Paolo.
Ibinahagi rin ng Bubble Gang at All-Out Sundays mainstay ang dahilan kung bakit niya ito ibinalik sa tamang lalagyan.



“Alam n’yo, malamang iisipin niyo na sobrang walang kwenta ‘yung content but kaya ginawa ko ito kasi maraming times na hinihingi ito ni Aki. Hindi ko ibinibigay kasi sabi ko sa kanya, ‘Patunayan mo muna na kaya mong mag-alaga ng gamit.’”
Dugtong niya, “So he asked if he can have it and I think it’s time.”
Ano naman kaya ang naging reaksyon ni Aki nang ibigay na sa kanya ni Paolo ang Infinity Gauntlet? Alamin ‘yan sa YouTube channel ni Paolo! (BKC)