Advertisers
SA kabila ng takot at kaba, pinayagan ni Alma Concepcion na bumalik sa Amerika ang kanyang anak na binatang si Cobie Puno para ipagpatuloy ang pag-aaral nito.
March, nagsimula ang COVID-19 pandemic ay umuwi si Cobie sa Pilipinas.
Isang 2nd year Business Administration student si Cobie sa Fordham University sa New York.
“Eh andaming cases dun, di ba? Buti nakauwi.
“Habang nag-a-announce si Duterte [Pangulong Rodrigo Duterte] sabi ko, ‘Book now as in NOW!’
“March 13 ng umaga umuwi siya from New York,” umpisang kuwento ni Alma via FB messenger.
Unfortunately, pagdating ni Cobie sa Pilipinas, nilagnat ito ng tatlong araw. Gumaling naman ang lagnat nito pero napalitan ng ubo kaya nawindang si Alma.
Dinala ni Alma si Cobie sa ospital at matapos ang mga pagsusuri at testing, pinauwi na sila dahil clear naman ang lungs at hindi COVID-19 ang sakit ni Cobie.
At nitong August 9 ay bumalik na si Cobie sa New York sa gitna ng pandemya para sa kanyang pag-aaral.
Number 1 ang US sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa buong mundo, paano nakumbinsi si Alma na payagan ang unico hijo na bumalik sa US?
“Nasa lowest point na ng graph yung COVID cases sa NY bale nag-nose dive na ang graph,” rebelasyon sa amin ni Alma.
Sumubok daw si Cobie ng online classes mula March to May.
“Hindi niya nagustuhan ang grades niya so mas gusto niya actual classes.”
Hindi rin daw nag-alangan si Cobie na bumalik sa Amerika.
“Nung nakikita na niya na nagiging okay na dun, nagdesisyon siya na mas safe na siya dun kesa dito. And ayaw niya ma-delay dahil gusto niya mag-abogasya.”
Ayon pa kay Alma…
“Lahat ng safety protocols ginawa namin. Nakukulitan nga sa akin paulit- ulit ako. Nakakalimutan ko kasi na 20 years old na sya. Gloves, mask, alcohol, vitamins, ultimo antibiotics pinadalhan ko siya.”
Kumusta si Cobie sa US?
“Okay naman daw. Two weeks quarantine pero hindi naman strict. “Nakakalabas siya sa grocery to buy essentials.”
Dito naman ay balik-negosyo si Alma sa gitna ng GCQ, bukas na ulit ang Beautèderm store niya.
“Kung kami-kami lang we leave our shoes sa labas ng store, siyempre masks din. For walk-ins, may temperature check, footbath and siyempre dapat naka-mask and face shield.
“Nung MECQ work from home ako. Balik sa dating gawi, ako lahat nagha-handle ng inquiries, wrapping till deliveries. Nung nag-open na ulit, hakot na naman from house to store tapos manual inventory ulit. “Pag may pasabog sale ang ating Beautèderm CEO RHEA TAN, ayun tumataas naman ang sales kasi worldwide na kasi ang Beautederm.
“Sanay na naman ako sa sistema kasi since 2011 ko pa ito ginagawa.”
Si Alma ang pinakaunang Beautèderm ambassador at una sa mga ambassador na naging active sa distribution.
“Parang call center agent ako. I start answering morning till evening.”
Ang Queen Alma By Beautèderm ay matatagpuan sa G/F unit 2 Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights Quezon City. Beside Royal Condo & near EastWest Bank; M-Sat 11am-7pm with Viber number 09178875278. (Rommel Gonzales)