Advertisers
NANINIWALA si Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command (AFP – WestMinCom) Chief, Major General Corleto Vinluan Jr., na mayroong posibilidad na ang siyam na pulis na sangkot sa Jolo shooting incident ay nakipag-sabwatan sa dalawang suicide bombers na tinutunton ng apat na sundalong napatay noong June 29.
Ayon kay Vinluan, halos maraming magkakamag-anak sa Sulu. Aniya, may mga miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) o Moro National Liberation Front na may kamag-anak na pulis.
Hindi pa tiyak si Vinluan kung sino sa mga pulis ang posibleng may kamag-anak sa mga sinasabing suicide bombers dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
Kabilang sa mga tinitingnan nilang anggulo ay “rido” o family feud at iligal na droga.
Pinabulaanan ni Vinluan na ang isa sa mga napatay na sundalo na si Corporal Abdal Asula ay sangkot sa iligal na droga.(PTF team)