Advertisers
NALAMBAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong tulak ng iligal na droga sa buy bust operation sa Quiapo, Maynila.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso.
Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila Mapandi at Abul Mapandi .
Sa ulat, pinangunahan ng PDEA Regional Office 3 ang operasyon laban sa mga suspek.
Nauna rito, hindi natuloy ang nakatakda sanang transaksyon noong nakaraang linggo kungsaan mula sa San Fernando, Pampanga ay dinala sa Maynila ang abutan ng iligal na droga.
Sa report, 1:00 ng tanghali nang maaresto ang mga suspek sa bahagi ng Raon sa Quiapo.
Nakatakdang dalhin sa PDEA headquarters ang mga naarestong tulak. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia/Thony D. Arcenal)