Advertisers

Advertisers

Sekyu na police informant pinasabog ang ulo

0 275

Advertisers

SABOG ang bungo ng isang 22-anyos na security guard na umano’y police informant nang barilin ito sa ulo habang pauwi sa kanilang bahay Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jury Mapa, binata, security guard ng Vitas Industrial Estate Association (VIEA), at nakatira sa Bldg. 24 Extension Aroma,Tondo, Maynila
Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa Temporary Housing malapit sa Road 10.
Nabatid na katatapos lamang ng duty ng biktima sa VIEA compound at pauwi na ito sakay ng kanyang scooter.
Sa pagsusuri ng SOCO, isang tama ng bala ng 9 mm sa likurang bahagi ng kaliwang tenga ang tinamo ng biktima.
Posible umanong niresbakan ang biktima dahil sa pagiging police informant nito kaugnay sa illegal na droga sa nasabing lugar. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)