Advertisers

Advertisers

Pork siomai ‘ban’ sa Laoag

0 231

Advertisers

PINAALALAHANAN ng Provincial Veterinarinary Office sa Ilocos Norte ang mga tindero sa lalawigan ng Laoag na huwag munang tumanggap ng pork siomai.
Ito’y dahil sa banta ng African swine fever o ASF.
Ayon kay Dr. Loida Valenzuela, provincial veterinarian, may mga natanggap silang report na mayroon nagpapasok sa nasabing produkto gamit ang pribadong sasakyan.
Nitong nakaraang araw aniya, naipaalam na nila kay Gov. Matthew Marcos Manotoc ang nangyari.
Inihayag ni Valenzuela na posibleng hindi namatay ang virus na nasa produkto kung hindi naluto ng maayos lalo na kung may virus ang baboy na naiproseso.
Aniya, magsisilbi itong paalala para sa mga nagtitinda para mapanatiling “ASF free” ang lalawigan.
Maliban sa Ilocos Norte, ASF free din ang mga lalawigan ng Apayao at Batanes. (Ace Ramales)