Advertisers

Advertisers

Pagpasok sa Rizal Park kailangang mag check-in online

0 259

Advertisers

KAILANGAN mag-check in sa online bago makapasok sa Rizal Park.
Ito ang ipinatutupad ngayon na pagbabago ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) sa kanilang muling pagbubukas nitong August 24.
Ayon sa NPDC, bukas ang parke para sa nais mag-ehersisyo mula 5:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga araw-araw.
Kailangan lamang bisitahin ang Safepass FB page/FB messenger ng NPDC upang makakuha ng personal QR code gamit ang cellphone.
Sa pag-request ng entry, kailangan ding mag fill-up ng health form.
Pagpasok sa gate, saka i-scan ang naaprubahang entry reguest o code na valid sa loob ng isang araw.
Maari itong gamitin sa multiple entry at exit sa maghapon at kung muling naisin na bumalik sa parke, kinakailangan muling mag-check in online. (Jocelyn Domenden)