Advertisers
TULOY ang biyahe ng Boston Celtics sa Eastern Conference semifinals matapos walisin ang Philadelphia 76ers sa iskor na 110-106,kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Pinamunuan ni Kemba Walker ang opensiba ng Celtics sa kinamadang 32 points, habang mayroong 28 points at 15 rebounds naman si Jayson Tatum.
Hindi binitawan ng Sixers ng makahabol sa serye kung saan nag-tabla pa ito sa 77 sa third quarter.
Hanggang umarangkada ang Celtics sa pamamagitan ni Tatum na nagtala sila ng 89-77 sa pagpasok ng fourth quarter.
Nawalan ng saysay ang pinagsikapang 30 points ni Joel Embiid at 20 points ni Tobias Harris para sa Sixers.
Makahaharap ng Boston ang sinumang manalo sa pagitan ng Toronto Raptors at Brooklyn Nets kung saan lamang ang Raptors 3-0 sa best of seven first round playoffs.