Advertisers
Sakali mang iuusad ng mga mambabatas ang muling pagpapairal sa parusang BITAY para sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen lalo na kung may kaugnayan sa ILLEGAL DRUGS ay isama na rin sa ibibitay ang lahat ng nagsisilbing “HUDAS” sa hanay ng LAW ENFORCERS bukod pa sa CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS.
Sa kasalukuyan ay maraming mga BIG TIME DRUG SYNDICATE ang nabuwag na ng mga operatiba ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP), NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION at ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) sa iba’t ibang panig ng ating bansa.., subalit hindi pa rin ganap na nalilipol ang operasyon sa ilegal na droga dahil may mga kakutsaba pa rin ang mga sindikato sa hanay ng mga operatiba.
Hindi ganap na mabubuwag ang ILLEGAL DRUG SYNDICATES sa ating bansa dahil walang kinatatakutan ang mga sindikato na masalang sila sa parusang kamatayan.., maaaresto man sila ay magagawa pa rin nilang maipagpatuloy ang kanilang ilegal na transaksiyon sa loob ng kulungan sa tulong ng ilang mga tiwaling JAIL PERSONNEL. Kaya naman, maraming insidente ng JAIL INSPECTION ay may mga preso na nakukumpiskahan ng maraming pera sa kanilang kinakukulungan gayong wala naman sila sa laya ay nakakapag-ipon pa rin ang mga ito ng limpak-limpak na salapi.
Kamakailan, sa isinagawang pagsusunog o paglusaw sa mga bulto-bultong shabu na nakumpiska ng PDEA sa kanilang mga operasyon ay inihayag ni PDEA DIRECTOR GENERAL AARON AQUINO na wala na umano silang namomonitor na malalaking laboratoryo sa ating bansa.., kundi, ang mga illegal drugs na ikinakalat ng mga sindikato ay pawang inangkat mula sa ibang bansa. Sa indikasyong ito, kung sinsero ang lahat ng LAW ENFORCERS sa kampanya laban sa ILLEGAL DRUGS ay walang makalulusot papasok sa ating bansa dahil nariyan ang puwersa ng CUSTOMS, PHILIPPINE MARINES, PHILIPPINE COAST GUARD, PHILIPPINE MARITIME at ang PHILIPPINE AIRFORCE.., pero nakakapasok pa rin ang mga illegal drugs mula sa ibang bansa.., na indikasyong may mga “HUDAS” sa hanay ng ating LAW ENFORCERS na dapat “TAGPASIN” ang mga ito.
Tulad sa mga isinasagawang paglulunsad ng RAID sa mga pinaghihinalaang puwesto ng mga DRUG SESSION.., bago pa man makarating sa lugar ang mga RAIDING TEAM ay wala na ang kanilang mga target dahil natimbrehan na ang mga ito mula mismo sa hanay ng mga sasalakay.
Dapat ang mga LAW ENFORCER OFFICIAL ay kailangan kilala o alam nila kung taga-saang lugar ang kanilang mga tauhan upang ang lugar na kanilang sasalakayin ay hindi dapat makasama at malaman ng mga tauhang residente sa lugar na sasalakayin dahil baka ang mga ito ang nagsisilbing “TIMBRADOR” .., kaya bago pa man makarating ang mga operatiba ay nakaiskapo na paalis sa lugar ang mga target na sasalikupin.
Maraming ganiyang istilo sa iba’t ibang mga lugar lalo na sa NATIONAL CAPITAL REGION.., na, tulad sa isang MATANDANG LUGAR ng QUEZON CITY ay hindi nagiging matagumpay ang mga RAIDING FORCE dahil may mga pulis na nagsisilbing taga-TIMBRE sa kanilang mga kalugar na pusher/adik.
Hindi lamang sa QC kundi maging sa CALOOCAN, MANILA, PASIG at iba pang mga bayan ay may ilang mga PULIS ang nagsisilbing HUDAS sa kanilang hanay at ang iba ay kakutsaba pa sa ILLEGAL TRANSACTION ng mga BARANGAY CHAIRMAN.., dahil karamihang PROTECTOR halimbawa ng TUPADA, PASUGALAN at iba pang bisyo ay KAPAMILYA o BEST FRIEND ng mga BARANGAY CHAIRMAN kaya namamayagpag pa rin ang mga ILLEGAL sa iba’t ibang nga barangay.
Kapag may nahuli ang mga operatiba ay lulutang ang PROTECTOR at aaregluhin ang mga RAIDING TEAM at presto ang NON-VAILABLE na mga naaaresto ay mapapagaan ang kaso at kunwa ay sasampahan pa ng kaso sa PROSECUTORS OFFICE..pero “AMPAW” ang nilalaman ng mga dokumento kaya ang resulta kadalasan na ipapataw ng PROSECUTOR ay “RELEASE FOR FURTHER INVESTIGATION”.., presto, ang mga naaresro ay tatawa-tawang lalaya na naman at tuloy ang kanilang ilegal na transaksiyon sa kumpas ng kanilang mga PROTECTOR.
Kaya dapat lamang na ibalik ang DEATH PENALTY.. pero ang dapat lamang na mahanay sa mga bibitayin ay ang mga “PROTECTOR” sa hanay ng LAW ENFORCERS, BARANGAY OFFICIALS at ang mga CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS para makahilera ng mga BIG TIME DRUG LORDS sa isasalang na PARUSANG KAMATAYAN.
Ika nga isalba ang mga pangkaraniwang mamamayan at huwag isalang sa “TOKBANG OPERATION”.., kundi, ang mga dapat na mapatawan ng DEATH PENALTY ay ang mga BIG TIME PERSONALITIES dahil sila ang nagsisilbing SALOT SA MAMAMAYAN!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.