Advertisers
WALA talaga kaming masabi sa pagiging professional ng paborito naming aktres na si Maricel Soriano. May isang eksena kasi siya na kinunan sa serye nila na “Ang Iyo Ay Akin” na hinahabol niya ang gumaganap na anak niya na si Jodi Sta.Maria. Nadapa ang tinaguriang Diamond Star ng showbiz.
Pero hindi ‘yun kasama sa eksena. Nagkataon lang na nadapa siya. Pero, tuloy pa rin sa paghahabol si Maricel kay Jodi. Hindi niya pina-cut ang eksenang ‘yun kahit nasaktan at nasugatan siya. Kaya naman hinangaan si Maricel ng buong cast at ng production staff after ng eksena niyang ‘yun.
Dahil sa pagiging professional ng award-winning actress kaya hindi na kami nagtataka na kahit mahigit apat na dekada na siya sa showbiz ay nandito pa rin siya sa mundong ginagalawan. Patuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng mga proyekto. Dapat talagang tularan at maging modelo ng ibang artista si Maricel when it comes to professionalism. ‘Yung ibang mga artista ay hindi nagtagal sa showbiz dahil sa pagiging pasaway at unprofessional.
***
BONGGA sina Xian Lim, Kylie Verzosa at Alex Gonzaga, huh! Ang movie kasi nila na “Love The Way You Lie” ay nag-number one sa Netflix Philippines noong Biyernes, Agosto 21 at Sabado Agosto 22.
Joint venture ng Tincan at Viva Films ang romantic comedy film na ito na nag-premiere sa Netflix Asia noong Agosto 20, Huwebes.
Sa nasabing pelikula ay love triangle ang tatlo. Si Kylie ay gumaganap bilang isang multo. May reference ang “Love The Way You Lie” sa pelikulang “Honey Nasa Langit Na Ba Ako?” na ipinalabas noong 1998. Bida rito sina Janno Gibs at Regine Velasquez sa papel din na multo.
Prodyus ito ng sister company ng Viva na Neo Fillms.
To Xian, Kylie at Alex, our congratulations! (Rommel Placente)