Advertisers
SA pamamagitan ng electronic messaging ay ipinarating sa SIKRETA ng isang nagpakilalang “Dekano Kurakot” ang kanyang karanasan sa LIMA na hinihiling din nito na aksyunan na ng CHED-MARINA. Tunghayan po natin ang email ni aka “Dekano Kurakot”:
Dear Sir Cris,
ACCURATE na accurate po yung mga info/statements na nakalagay sa inyo pong nilabas na mga artikulo lalo na yung sa hugas kamay. Totoo lahat. Walang idinagdag na maling info sir/ma’am.
Naalala ko 1st sem ng 2019-2020 sy. Nung may inspection/audit ang CHED-MARINA ay naiiba ang mga position ng mga instructor gaya ni sir mandigma na head ng BSMT na biglang napapwesto sa STO. Yung teacher namin sa Mgmt na si Capt. Meña biglang nabago at ang nag turo samin ay si Capt. Clemente tas after 2 or 3 days biglang balik na naman sila sa kani- kanilang pwesto.
Minamanipula ni kurakot lahat. Yung sa Comex namin sa Mabini Oct. 4, 2019 naningil ng 25 pesos samin per kadete para daw sa pamasahe. E for what yung Com Ex fee na binayaran namin sa tuition?
Napakadaming hidden fees sir/ma’am. Sa dorm inoobliga kami mag bayad ng 150/kadete para sa mineral water na hindi naman lumalampas sa anim na basyo ng tubig sa isang linggo. Nasa 4th floor kami di kami hinahatidan ng tubig. E ako nung unang month nagbayad ako pero nung sumunod di na ko dapat mag babayad kasi nagtyatyaga na ko sa nilulumot na water fountain pero inobliga parin ako magbayad kasi nakalista daw ako.
Napaka unfair sobra. They said they want to produce good quality graduates? Then, start hiring good quality teachers/instructors. Last sem, tapos ang seamanship 5 at navigation 5 namin dahil walang kwenta ang teacher. Ni hindi kami naturuan sa manual radar plotting. Nadidis-appoint ako na sa LIMA pa ko pumasok. Bago ako mag 1st yr sa LIMA e galing na din ako sa maritime school dito sa aming bayan pero mas pinili ko ang LIMA dahil mas premyado at kilalang unibersidad ito pero lahat ng ineexpect ko sumablay.
Kami na ang dehado kami pa ang mapapasama. Kami pa ang makikick out. Kaya tikom ang bibig namin nitong nag daan na SY 2019-2020 dahil sa panakot na iyan.
Hinihiling ko lang po sir/ma’am, maihatid niyo po itong mga reklamo sa CHED-MARINA at LPU Management nang sa ganoon ay matigil na ang kawalanghiyaan ni Kupitan Gonzales.
Tama na yung Batch namin ang nag suffer at wag na madagdagan pa. Sobra sobra na ang nagawa nya samin kaya hinihiling ko pong mapatalsik na sya.
Nawa’y matulungan niyo po kaming mga kadete ng LIMA. Maraming salamat sa pag vovoice out para samin. Nagkaron kami ng pag asa na mapapatalsik yang Kupitan na yan. Maraming salamat po.
Dekano Kurakot po.
SIKRETA: Naiparating na natin sa CHED-MARINA ang mga reklamo ng mga estudyante at magulang ng mga mag-aaral sa LIMA na naging biktima ng palpak na In-House Policy ng LIMA.
Hindi na marahil kailangan pang banggitin ang pangalan ng opisyal ng CHED-MARINA na nagbigay ng assurance na aaksyon ang kanilang tanggapan sa mga naiulat na anomalya sa nabanggit na eskwelahan.
Payo natin sa mga apektadong estudyante at kanilang mga magulang, huwag nyong karakang pagsuspetsahan na kakutsaba ng anomalosong dean at ng empleyadang lover nito si Lyceum President Peter Laurel sa nagaganap na kabulastugan sa LIMA.
Ang pagkakaalam natin ay makatao at maka-Diyos si G. Laurel at hindi nito kukunsintehin ang lisyang aktibidad ng kanyang dekano kapalit lamang ng salapi.
Maipapayo din natin sa mga estudyante at kanilang mga magulang o guardians na magsadya sa tanggapan ng CHED-MARINA, magsumite ng salaysay na notoryado ng prosecutor o ng isang abogado o complaint affidavit laban sa inrereklamo nyong dekano at sa kalaguyo nito para maging basehan ng pag-aksyon ng nasabing government agency.
Bagamat hindi po isang abogado ang inyong lingkod, bilang isang ex-police investigator ay makatutulong din para kayo ay asistehan sa abot ng ating makakaya sa inyong paghaharap ng reklamo kung inyong mamarapatin.
Kailangan ang ng inyong sama-samang pag-aksyon para umusad ang kaso kung tunay ang inyong mga akusayon laban kay Dean Alexander A. Gonzales at sa gayon ay maputol na ang mga nagaganap na katiwalian sa Lyceum.
Ang maipangangako po ng SIKRETA ay lagi tayong nakatutok sa mga kaganapan sa LIMA.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com