Advertisers

Advertisers

Killer ng mag-ina sa Bulacan arestado

0 295

Advertisers

NADAKIP na ng mga awtoridad ang salarin sa karumaldumal na pamamaslang sa mag-ina, na natagpuang naaagnas na sa loob ng kanilang bahay nito lamang Biyernes ng hapon sa Purok 2, Barangay Mercado, Hagonoy, Bulacan.
Kinilala ni Lt.Col. Roginald Francisco ng Hagonoy Police ang salarin na si Alberto Aguinaldo alyas Bentong, nasa hustong gulang, kapitbahay ng mga biktima na sina Carmelita Tungol, 69; at anak na si Mary Grace Tungol, 43, dalaga, kapwa residente sa nabangit na lugar.
Ayon kay Patrolman Santy Aguinaldo, Lunes ng madaling araw nang pasukin ng salarin ang bahay ng mag-ina, kungsaan sa bubong ng bahay ito dumaan.
Ayon kay Aguinaldo, nagawa niyang pataying ang mag-ina dahil ‘di siya pinakabit ng kuryente sa kable ng mga ito.
Nahaharap ang salarin sa kasong double murder. (Thony D. Arcenal)