Advertisers

Advertisers

KAMANGHA-MANGHANG MANILA CITY HALL UNDERPASS BUMULAGA SA PUBLIKO

0 280

Advertisers

BINULAGA nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna nang pormal nitong buksan at ipakita sa publiko ang kamangha-manghang Manila City Hall Underpass kahapon ng umaga.

Mismong sina Moreno at Lacuna ay hindi makapaniwala sa ganda at makabagong anyo ng underpass matapos nilang pasinayaan ito.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) si G. Ronn Fernando at Egay Fernandez.



Kasama rin sa pagdiriwang si NPDC Director Cecille Lorenzana Romero at Atty. Guiller Asido ng Intramuros Administration.

Ang disenyo ng bagong underpass ay mula sa mga ideya ni Arch. Juanito Malaga, John Fallorina, Sean Ortiz at Leon Tuazon na mula sa University of Sto. Tomas.

Samantala, ang naglalakihang mural ay iginuhit ni Marianne Rios, Jano Gonzales at Ianna Engano mula sa Gerilya.

Ang mga signages na makikita sa Lagusnilad underpass ay mula kina Raven Angel Rivota ng Far Eastern University, Edrian Garcia at John Leyson mula Baybayin Buhayin.

Bahagi rin ng proyekto ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila para sa mga larawan na inilagay sa tulong ng ilang indibidwal na nagbigay ng kanilang larawan, ang Boysen Paints at Hydrus para sa mga cctv cameras na ikinabit sa underpass. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">