Advertisers
ISA si Ellen Adarna sa mahihilig magpo-post sa kanyang social media.
Kaya halos lahat ng followers na nakasubaybay sa kanya ay monitor ang kanyang kilos at galaw.
Natuwa ang netizens kay Ellen dahil hindi na rin nito ipinagdamot ang mga larawan ng kanilang anak ni John Lloyd Cruz na si Elias.
At isa pang post ni Ellen na inokray-okray ng netizens na ikinairita nito ay ang pag-post nito ng kanyang kanta.
Inawit ni Ellen habang nagpipiano ang kanta ng Coldplay na ‘Yellow.”
Kung may nagkagusto ng pagkanta ni Ellen, may bashers naman na nilait ang pagkanta nito sa sarili nitong version.
Ayon sa bashers, mukha nga raw lasing si Ellen sa kanyang pagkanta.
Hindi naman pinalagpas ni Ellen ang bira ng bashers at niresbakan niya ito.
***
Maymay inamin ‘di nagmamadaling magka-bf
BATA pa nga lang daw si Maymay Entrata sa edad nitong 23 ay hindi na muna pinapasok nito sa isip niya na magkaroon ng lovelife.
Ang lovelife nga raw ay nandiyan lang at darating sa tamang panahon.
Career naman ang priority nito sa ngayon at sa hirap nga raw ng karaketan ngayon ay hindi na papasok sa isip ni Maymay magka-lovelife.
Thankful si Maymay na kahit paano ay may blessings na dumarating sa dalaga.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)