Advertisers
GUEST ang nobyo niyang si Luis Manzano sa popular Youtube vlog ni Jessy Mendiola na nakapanayam niya ang nobyo.
Sa nasabing vlog, napag-usapan nila ang mga komento ng bashers na ikina-offend noon ni Jessy.
Ayon kay Jessy, na-offend daw siya nang paratangan siyang ‘babaeng ahas’ o third party sa naging hiwalayan nina Luis Manzano at ng ex nitong si Angel Locsin.
Nasaktan daw siya dahil alam nitong hindi ito totoo pero ngayon daw kahit anong bashing na natatanggap niya, tila naka-get over na raw siya rito.
Doon daw naman sa bashers na nagsasabing iiwan siya ng TV host-actor dahil babaero ito, dedma na lang ang kanyang reaksyon.
Aniya, malaki raw ang tiwala niya kay Luis at alam niya na loyal at committed na ito sa kanya.
Aminado naman siyang dating naaapektuhan kapag pinangungunahan ng mga tao ang kanilang relasyon.
“Matagal na tayo na tapos pinepressure nila tayong magpakasal. Na-o-offend ako kapag sinasabi ng mga tao na ‘Luis will leave you.’ “Although alam ko naman na it won’t happen. ‘Hindi yan magpo-propose kasi babaero yan.’
“This is the person I love and I trust him with all my heart. Nakaka-inis lang, bakit kailangan mo mangialam sa ibang relasyon,” pagtatapos niya.
***
BAGO pa man nagkaroon ng lockdown o community quarantine, matagal nang ini-enjoy ni Andi Eigenmann ang kanyang panahon malayo sa limelight sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak na si Baby Lilo na nagdiwang ng kanyang ika-unang taon noong Hulyo 23.
Para kay Andi, mas nae-enjoy niya ang simpleng pamumuhay sa probinsya na tahimik at walang luho.
Malaki rin daw ang naging papel ni Philmar para mapatino siya.
Keber din siya sa nagsasabing hindi sila bagay at malayo sa kaguwapuhan ng mga lalakeng na-link sa kanya.
Sa pagbabalik-tanaw, buong pagmamalaking ibinahagi ng kanyang surfer partner ang kanilang unang litrato ng aktres na nakangiting hawak ang pumpon ng pechay.
Ayon sa Surigaonon, sa unang date raw nila, sa halip na bulaklak ay pechay ang ibinigay nito kay Andi.
Inihayag din ng professional surfer ang pagmamahal sa kanyang mag-ina.
Bumuhos ang positibong mga komento para sa kanila. Marami sa mga netizens ang bumilib dahil sa pagiging simpleng babae ni Andi sa kabila ng kinagisnan niyang karangyaan at maningning na buhay showbiz.
Sey nila, pechay daw pala ang weakness ni Andi.
May ilang bitchy netizens naman ang nagkomento na ang ‘cheap’ daw ni Andi dahil sa ‘pechay’ ay bumigay na agad ito kay Philmar. (Archie Liao)