Advertisers
PITONG sundalo at 6 sibilyan ang nasawi, habang 80 ang sugatan sa malakas na pagsabog sa Walled City sa Jolo, Sulu nitong Lunes.
Hindi muna pinangalanan ang 6 namatay na sundalo, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga sibilyan.
Ayon kay Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao chief, Brigadier General Manuel Abu, nangyari ang pagsabog sa Barangay Walled City 11:40 ng umaga.
Sa ulat, sumabog ang isang nakaparadang motorsiklo sa bahagi ng Plaza Rizal.
Ang sumabog na motorsiklo na tinaniman ng mara-ming bomba ay nakaparada ang M35 truck ng mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army na kagagaling lamang sa lingguhang pamamalengke.
Ang lugar ng pinangyarihan ay malapit lamang sa Red Cross Chapter.
Base sa report, pitong sundalo at anim na sibilyan ang kaagad na nasawi sa pagsabog.
Kabilang umano sa nasawi ang mismong babaeng suicide bomber.
Inaalam pa na ng mga otoridad ang posibleng pagkakakilang ng nasabing babae.
Bukod sa mga nasawi, 19 mga sundalo at pulis ang nasugatan habang nasa 57 ang mga sibilyan. Malapit lamang kasi sa lugar ang ilang grocery stores na nagkataong marami ang namimili.
Samantala, bandang 1:00 ng hapon, isa pang pagsabog ang naganap sa di kalayuan sa lugar kungsaan nadamay ang sasakyan ng pulisya.
Ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog ay ‘di kalayuan sa Mt. Carmel Cathedral na pinasabog din noong isang taon.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon sa insidente.(Mark Obleada)