Advertisers

Advertisers

WILLIE REVILLAME, MGA TSUPER AT BILLIARDS SA LOPEZ

0 467

Advertisers

WHEN it rain , it pours. Ganyan ang suwerte pag dumating sa buhay ng tao, bumubuhos na akala mo ay wala nang katapusan. Kaya dapat lang na gamitin sa mabuti ang biyaya, huwag sarilinin at i-share ang labis sa mga kapus-palad na nilalang ng Diyos.

Ganyan ang aktor/komedyante/tv host at pilantropong si WILLIE REVILLAME.

Bumuhos ang grasya kay WIL at sumobra ang lalim ng balon kaya kahit na ilang krisis at gaano katagal ang pandemya ay di matutuyo ang sapa nito dahil dito ay pinagpapasalamat niya sa Maykapal ang kanyang kapalarang sinuman ang mag-isip ay sadyang nakakamangha ang pagiging isa na siya sa mga pinakamayayamang tao ngayon sa ‘Pinas ang dating sidekick lang ng mga bida sa pinilakang-tabing.



Marami siyang natulungan, nabigyan ng trabaho, sumagip sa mga kaibigang nalulugmok, karaniwang mamamayang nagwagi ng malalaking salapi sa pamamagitan ng kanyang programa sa telebisyon at ang hanay ng masa na kundi kakahig ay walang tutukain.

Latest sa kanyang mga tinutulungan ay ang pag-ayuda sa mga tsuper partikular iyong mga dyipni drayber sa Metro Manila.

Napakalaki ng 5 milyong pisong ayuda pero sadyang likas sa ibang tao ang natulungan na e me angal pa. Sa dami ng pumilang mga drivers (di tyo sure kung legit ang iba sa kanila) ay may kantyaw pa na barya lang ang nakaabot sa kanila (pinadaan din kasi sa mga lider ng kanilang asosasyon kaya natsani raw ang ayuda). Pero ang bottomline ay dapat lang na pasalamatan nila ng taos- puso si WIL na tumulong sa tao kahit di naman siya pulitiko at wala namang hangad na publicity dahil sa tagal sa ere ng kanyang programang namimigay ng kuwarta at jacket ay sikat na sikat na siya.

Kaya ating napupulaan ang karamihan sa mga tsuper. Noong araw na wala pang pandemya at hayahay ang mga buhay ng drivers sa kalsada sa pagkita ng pera na madalas ay iyong mga switik na nagka-cutting trip, sumisingil ng sobra, siksik ang mga pasahero hanggang estribo, hindi lahat pero maraming walang modo at di ginagalang ang mga pasaherong pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan. Kapag gusto nilang magtaas ng pasahe at di pinagbigyan ng gobyerno ay magwewelga sila at ang mapeperwisyo ay ang komyuter na hostage nila. Dumating ang pandemya , naputol ang kanilang kabalbalan, nawalan ng kabuhayan hanggang mamalimos sa lansangan.

Ngayong krisis, kung sino pa ang mga PASAWAY noon ay sila ang unang KINAAAWAAN ngayon. Di lang jeepney drivers kundi maging sa mga tsuper ng bus, taxi, fx, traysikel kuliglig maging trak. Karamihan sa kanila ay salbahe noon sa pasahero. Kaya pinaramdam sa inyo kung paano ang karma.



Dapat pagkatapos ng Covid ay magbago na kayo at mamuhay ng parehas na walang naaagrabyadong kapwa- tao para kayong mga pasaway dati na mga TSUPER ay di ma-TSUPI sa mundo.

Kaya panawagan ng korner na ito kay WIL, kung patuloy kayong tutulong ay ibaling din sa ibang sektor na mas karapat-dapat ang inyong ayuda at wag nang idaan sa mga lider na malamang na tsatsani pa bago makarating sa dapat na katulad nang ginawa sa SAP noon hanggang ngayon ng mga KUPITAN! Abangan!!!

LOWCUT: Shout out sa ating mga ka-bilyar diyan sa Lopez, Quezon. Puwede na kayong mag-ensayo at sumargo kapag MGCQ na ilang araw na lang aantayin. Saludo tayo sa magiting at pinipitagang hepe ng Lopez na si Police Chief Margarito Umali sir na isa palang SPORTS enthusiast gayundin sa kanyang tagapangalaga ng kapayapaan ng bayan na alagad ng Kapulisang sina Felix Amboy, Michael Manas, Onad Villamor, Marlon Author, Jaymar Naval, Jerry Olivarez atbp. ng Lopez. Kayo ang Da Best!