Advertisers

Advertisers

VP Leni umalma sa ‘RevGov’: ‘ANG LAKING KALOKOHAN NIYAN!’

0 306

Advertisers

Pinuntirya ni Bise Presidente Leni Robredo na isang malaking kalokohan ang isinusulong na revolutionary government ng ilang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ang laking kalokohan niyan, Una, ano ba iyong revolutionary government? Ang hinihingi nito ay itapon ang Konstitusyon natin. Ang tanong ko? Bakit hinahayaan?” pahayag ni Robredo.
Mariing kinundena ni Robredo ang pagpayag umano ng mga ilang government officials na magpulong sa Clark Freeport nitong Sabado ang 300 indibidwal na nagpaaabot ng suporta para pamunuan ng Pangulo ang bagong pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
Giit ni Robredo na bukod sa labag sa Saligang Batas ang nasabing pagpupulong at panawagang revolutionary government ay taliwas sa kasalukuyang kinakaharapna health crisis ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala, pumalag din ang mga senador batay sa kanilang mga Twitter post ukol sa isinusulong na revolutionary government ng ilang supporters ni Duterte.
Maging ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ay mariin din ang pagtutol sa panawagang ito.
Sa isang statement, sinabi ni IBP national president Atty. Domingo Cayosa na walang legal at moral na basehan para pamunuan ni Duterte ang isang revolutionary government.
“A revolutionary government is repugnant to constitutionalism. There is no legal, factual, practical, or moral basis for a revolutionary government under the present circumstances.”
Ayon sa abogado, may ibang paraan naman para pag-usapan ang tinatawag na “RevGov” dito sa bansa, kaya huwag daw munang suportahan ang bagong panawagan dito. (Josephine Patricio)