Advertisers

Advertisers

Tulak huli sa malaking halaga ng marijuana

0 239

Advertisers

CAMP VICENTE LIM – Timbog sa buy bust operation ng pinagsanib na elemento ng Laguna Provincial Intelligence Branch/Drug Enforcement Unit (PIB-DEU), Philippine Drug Enforcement Agency-4A (PDEA4A) at Sta. Rosa City PNP ang isang malaking tulak ng iligal na droga at pagkakasamsam sa malaking halaga ng marijuana sa Barangay Balibago dito kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ni PDEA-4A Regional Director III Adrian Alvarino, nakilala ang naarestong tulak na si Aldrin Espena, 28, naninirahan sa nasabing lugar.
Bandang 4:15 ng hapon nang magkasa ng operation ang mga awtoridad.
Sa imbestigasyon, sinasabing naaktuhan pa na ipapadala ni Espena sa kanyang kliyente sa isang courier ang malaking halaga ng marijuana na nakalagay sa tatlong kahon ng Black Ali Coffee.
Bukod sa narekober na ilang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, kabilang sa nakumpiska ng pulisya ang sasakyan ng suspek na Nissan Calibre.
si Espena ay nahaharap sa paglabag sa RA-9165 at kasalukuyang nakapiit sa PDEA Lock Up Cell sa Camp Vicente Lim, sa Calamba City.
(Dick Garay)