Advertisers

Advertisers

Sen. Go sa NBI: Arestuhin nagtatago, naninira ng PhilHealth documents

0 254

Advertisers

MATAPOS makatanggap ng report ng umano’y pagtatago at paninira ng dokumento sa ilang PhilHealth regional offices, hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa National Bureau of Investigation na magsiyasat sa isyu upang maproteksyonan ang integridad ng isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa talamak na katiwalian sa ahensiya.
Sinabi ng senador na in-update siya nitong Biyernes ng NBI na nagsasagawa na ito ng monitoring sa mga PhilHealth regional offices para ma-secure ang lahat ng dokumento na posibleng magamit na ebidensiya sa pagsisiyasat.
“The NBI said that they will also conduct an inventory of all cases being handled by PhilHealth regional legal offices in order to secure documents including affidavits and hospital records. They will also secure possible witnesses,” ani Go, base sa naging pag-uusap nila ni NBI officer-in-charge Eric Distor.
Iginiit ni Go sa NBI na arestuhin at sampahan ng kaso ang mahuhuling magtatago o maninira ng PhilHealth public records, partikular ng mga may kinalaman sa isinasagawang pagsisiyasat ng Task Force.
Nauna rito, kinumpirma ni Distor na may natanggap silang report na may ilang PhilHealth offices na naninira ng mga dokumento sa takot na mabuko ang mga anomalya.
“Nabalitaan namin sa Pangasinan sa Region 1 nasira daw ‘yung mga dokumento dahil sa ulan. I’m urging the NBI task force to investigate kung mayroon bang kalokohan dito,” sabi ni Go sa ambush interview. “Kung totoong umulan, okay lang po pero kung sinadyang sirain ‘yung mga dokumento ay ibang usapan na po ‘yan, dapat silang managot. Dapat malaman kung dulot lang ba talaga ito ng malakas na ulan, may kapabayaan bang naganap, o sadyang hinayaang masira ang mga dokumento.”
“Tinatawagan ko ang pansin ng pamunuan ng PhilHealth. Ang laki-laki ng pondo ninyo, tapos hindi niyo mapagawa ang bubong ng isang opisina ninyo! Gamitin niyo po sana nang tama ang pondo ninyo para sa pagpapaayos ng inyong mga opisina at ng inyong serbisyo sa tao,” giit niya.