Advertisers

Advertisers

Rep. Quimbo: P15-B nawala sa gobierno sa ‘pneumonia’

0 271

Advertisers

AABOT sa P15 billion ang maaring nawala sa pamahalaan sa nakalipas na limang taon dahil sa fraudulent claims sa pneumonia sa PhilHealth.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, na isang ekonomista, base sa kanyang computation gamit ang data mula PhilHealth, nasa P4 billion ang nawala dahil lamang sa fraudulent claims sa pneumonia cases noong 2019 lamang.
Hindi aniya malabo na nangyari ito lalo pa kung totoong mayroong kontsabahan sa pagitan ng mga opisyal ng PhilHealth at ospitals.
Bukod sa mga PhilHealth officials at hospitals, sinabi rin ni Quimbo na maaring may mga pasyente ring kinukuntsaba dahil sa mga reports hinggil sa upcasing ng PhilHealth claims.
Dahil dito, binalaan ni Quimbo ang PhilHealth na maaring mawalan ng tiwala rito ang publiko, na kalaunan ay maaring magresulta aniya sa total failure ng social health insurance program.