Advertisers
MAKALIPAS ang halos 6 taon mula nang maganap ang panghahalay sa isang menor de edad noong 2014, nadakip rin ng mga awtoridad ang suspek sa Sitio Ugong Barangay Cataning, Balanga City.
Sa report ni Maj.Leopoldo L Estorque Jr. kay PNP Regional Director BGen, Rhodel Sermonia, kinilala ang nadakip na si Alvin Bataller Y Tiongson, 38, tubong Brgy. Gabon Abucay, construction worker, at residente sa nabangit na lugar.
Sa ulat, 12:15 ng tanghali nang maaresto si Tiongson sa bisa ng warrant of arrest laban dito sa 10 kaso ng rape.
Nabatid na dahil sa pangyayari ay nagbigti ang menor de edad na umano’y anak ng kinakasama ni Tiongson.
Pirmado ni Hon.Dorina S Castro-Baltazar Assisting Judge, Regional Trial Court of Bataan Branch 3, Balanga City ang warrant ng Rape. No bail. (Thony D. Arcenal)