Advertisers

Advertisers

PBA puntirya ang full-contact scrimmages sa susunod na buwan

0 256

Advertisers

HIHILINGIN ni PBA Commissioner Willie Marcial sa pamahalaan na payagan ang teams na magsagawa ng full-contact scrimmage sa September.
Ito, ay kahit na ang 12 franchise ng liga ay hindi pa nagpatuloy sa kanilang training, habang inaantay ang resulta ng kanilang COVID -19 swab test.
Gayunpaman, kinumpirma ni Marcial na ang susunod na hakbang ng liga ay ang magsagawa ng scrimmage, kapag aprubado na ng Inter-Agency Task Force.
“Sana payagan din tayo, pero lahat na ‘yan siguro depende kung nasaan na tayo dito sa virus,” wika nya, ayon sa ulat sa website ng liga. “Kung tumataas pa rin ang mga kaso, nand’yan pa rin posibilidad na tumaas ulit ang quarantine level.”
“Pero kung steady lang ang number o, mas maganda, bumaba malamang payagan tayo. Sana,” anya.
Nais ni Marcial na magpadala ng sulat sa IATF sana aprubahan ang scrimmages.
Plano nyang i-file ang request last July, pero naantala matapos maghigpit ang gobyerno sa quarentine measures sa Metro Manila at karatig na probinsya dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases.
Naging dahilan din sa pagkaantala ng team praktis nang ilagay ang Metro Manila sa ilalim ng modified enhanced community quarantine, habang ang National Capital Region ngayon ay nasa ilalim ng general community quarantine, gayunpaman umaasa ang teams na makapagsimula ulit ng praktis, sa lalim ng strict protocols.
Umaasa ang PBA na makapagsimula ang Philippine Cup sa October, ang liga ay nakapaglunsad lang ng isang game noong March 8.