Advertisers

Advertisers

Morales, iba pang PhilHealth execs pinakakasuhan ng Senado

248

Advertisers

INIREKOMENDA ng Senado na kasuhan si PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal ng ahensya hinggil sa mga iregularidad sa ahensya.
Ito ang reaksyon ni Senador Panfilo Lacson matapos na wakasan na ng Senado noong nakaraang linggo ang kanilang imbestigasyon sa mga anomaliya a PhilHealth.
Sinabi ni Lacson na kabilang sa mga kasong inirererekomenda ng Senado na isampa laban sa mga opisyal ng PhilHealth ay malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa National Internal Revenue Code, at perjury.
Kabilang sa mga inirerekomendang kasuhan ay sina Morales, Fund Management Sector senior vice president Renato Limsiaco Jr., senior vice president and chief information officer Jovita Aragona, at senior ICT officer Calixto Gabuya Jr.
Iginiit ni Lacson na malinaw na malversation ang ginawa ng mga opisyal ng PhilHealth nang ipinatupad nila ang interim reimbursement mechanism (IRM) kahit hindi pa effective ang circular para rito, at ang pondong nakalaan sa program ay nagamit sa mga dialysis centers, infirmaries, at maternity centers kahit pa hindi naman sila maituturing na rumiresponde sa “fortuitous”events.
“E doon sa mismong IRM, sa circular, ‘yung 2020-0007, nakapaloob doon na ang date of effectivity after publication sa isang pahayagan of general circulation, tapos ‘and,’ hindi naman ‘or,’ yung pagbigay ng kopya doon sa ONAR, or Office of the National Administrative Register sa UP Law Center. June 11 ‘yung nakalagay doon,” saad ni Lacson sa isang panayam.
Nauna nang inamin ni PhilHealth senior vice president Atty. Rodolfo Del Rosario Jr. na ang release ng IRM funds bago mag Hunyo 11 ay maituturing bilang iligal.
Maituturing naman na paglabag sa National Internal Revenue Code at Anti-Graft and Corrupt Practices Act ayon kay Lacson nang “hinugot nila doon sa corporate operating budget ‘yung pondo. E pera ng gobyerno ‘yun. Hindi puwedeng gamitin ‘yun na pambayad ng tax.”
Samantala, maaring managot din sina Aragona at Gabuya sa sinsabing overpricing ng ICT system ng PhilHealth.
Dahil sa nagsinungaling ang mga opisyal ng PhilHealth kahit under oath sa pagdinig ng Seando, sinabi ni Lacson na liable ang mga ito sa perjury. (Mylene Alfonso)