Advertisers

Advertisers

Mister na pinag-aral ni misis sa Australia sapul sa CCTV ang pagtataksil

0 344

Advertisers

HUMINGI ng tulong ang isang misis na maipa-deport ang taksil nitong mister at ang karelasyon nito.
Kinilala ang nagrereklamong misis na si Christlyn Jambaro, may dalawang anak; at nireklamo niya ang kanyang mister na si John Carl Jambaro.
Ayon kay Christlyn, tinulungan ng kanyang pamilya ang mister upang makarating sa Australia. Pero hindi nila akalain na ito pala ang magiging ugat ng pagtataksil nito sa kanya.
Dagdag pa ni Christlyn, ipinasok ng kanyang tiyahin si John Carl sa restaurant niya sa Australia at nakita sa CCTV na may kahalikan ito at sweet sa isa’t isa.
Ayon pa kay Christlyn, tinatawagan niya ang kanyang mister pero ayaw na siyang sagutin nito. At sa huling text ni John sa kanya, sinabi pa raw nito na “pabayaan na siya.”
Nabalitaan pa ni misis na kasalukuyan nang magka-live in na ang kanyang mister at ang kabit nito.
Mensahe ni misis sa kanyang mister: “Wala siyang awa. Mas pinili pa niya yung kabit niya.”(Ace Ramales)