Advertisers

Advertisers

Misis pinaghinalaang may kabit, kinatay ni mister

0 246

Advertisers

PATAY ang 42-anyos na ginang makaraang tarakan ng patalim sa dibdib at pagtatagain ng kanyang live-in partner nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Maramag, Bukidnon, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Maricel Durendez, residente ng Purok 4B, Barangay Bayabason, Maramag.
Nahuli naman sa follow-up operation ang salarin na si Ruel Rafols, 27.
Sa report ni Bukidnon Provincial Police Office (PPO) director Col. Roel Lami-ing, 9:00 ng gabi nitong Biyernes nang mag-away ang dalawa dahil sa pagseselos ng salarin, pinaghihinalaang may kalaguyo ang misis.
Ayon sa ulat, makalipas ang ilang oras, biglang nagwala ang mister at pinagtataga sa ulo ang misis 1:15 ng madaling araw.
Hindi pa nakuntento si Rafols, pinagsasaksak pa ang misis bago mabilis na tumakas.
Narekober sa crime scene ang 20 pulgadang itak at nakatarak na kutsilyo sa dibdib ng biktima.
Kasalukuyang pinaghahanap pa ang tumakas na mister.(PTF team)