Advertisers
Dumistansiya ang Malacañang sa panawagan ng isang pribadong grupo na revolutionary government dahil naka-focus umano ang administrasyon sa pagbubukas ng ekonomiya at laban sa banta ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing kahapon.
Bagama’t kinikilala nh Palasyo ang karapatan ng publiko na magbahagi ng kanilang opinyon ay hindi naman ito ang focus ng administrasyon.
” The call to establish a revolutionary government came from a private group and the organizers are free to publicly express their opinion,” ani Roque.
Ayon pa kay Roque kung mayroon mang una sa mga prayoridad ni Pangulong Duterte ngayon, ito ay ang pagbubukas ng ekonomiya at pagsisigurong ligtas ang publiko. “The focus however, of the Administration is addressing COVID-19 and mitigating its socio economic impact,” ani pa ni Roque.
Matatandaan na isa ang revolutionary government sa mga target ng Pangulo na gawin nang tumakbo siya bilang Pangulo ng bansa. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)