Advertisers
Pinatitigil ng China ang Pilipinas sa umano’y ginagawa nitong iligal at mapanghamong hakbang sa pinagtatalunang bahagi ng West Philipipines Sea.
Ito ang tugon ng China matapos na maghaing muli ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa pagsamsam ng Chinese Coast Guard sa mga gamit ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, nanghihimasok umano ang Pilipinas sa soberenya ng China sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga military aircraft para magpatrol sa Spratlys.
“China urges the Philippines side to immediately stop illegal provocations,” ani Zhao.
Ikinatwiran ni Zhao na naaayon sa batas ang naging hakbang ng Chinese Coast Guard.
Nauna rito ay inireklamo ng Pilipinas ang patuloy na pagraradyo ng China sa mga Philippine Aircraft ng Pilipinas na nagsasagawa ng patrol sa bahagi ng West Philippine Sea. (Josephine Patricio)