Advertisers

Advertisers

3 mangingisda missing nang abutan ng masamang panahon sa Batanes

0 221

Advertisers

NAWAWALA ang tatlong mangingisda mula Basco at Uyugan sa Batanes matapos abutan ng sama ng panahon sa gitna ng karagatan.
Kinilala ang mga nawawalang mangingisda na sina Antonio Lizardo, 53; Eduardo Elica, 35; at Tinong Alviso, 45-anyos.
Sa report, huling namataaan ang tatlo malapit sa isla ng Itbayat at Siayan patungo sa Mavudis Island.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, maagang nagsibalikan sa pantalan ang mga mangingisda nang magsimulang tumaas ang mga alon.
Gayunman, bigong makabalik ang tatlo kaya nagtawag na sila ng coast guard.
Nagpapatuloy pa ang search and rescue operations.
Iniulat narin nila ito kay North Luzon Command Gen. Ramiro Rey para makapagpadala ng eroplano na magsasagawa ng aerial search sa ibang isla oras na gumanda na ang panahon.(Ace Ramales)